Apektado ang trapiko sa East Service Road mula sa Taguig City hanggang Parañaque dahil sa itatayong FTI Station para sa North-South Commuter Railways Extension (NSCR-Ex) Project ng pamahalaan.
Sa inilabas na traffic advisory ng Department of Transportation (DOTr), sinabi nitong simula Hulyo 18, 2026, ang southbound lane, na papuntang Bicutan, ng East Service Road, mula sa Arca Boulevard hanggang Narra Street, Parañaque City ay pansamantalang isasara.
(Larawan ng DOTr)
Sa pakikipagtulungan sa Leighton-First Balfour Joint Venture (LFBJV), gagawin ang FTI Station East Diaphragm Wall para sa NSCR-Ex Project.
Habang sarado ang naturang daan, ang mga motoristang patungo sa timog (south bound) ay padadaanin sa pansamantalang diversion road sa PNR Right-of-Way, samantalang ang northbound lane patungont Makati ay mananatiling bukas sa trapiko at magagamit ang kasalukuyang East Service Road alignment.
Magkakaroon din ng koordinasyon sa traffic management scheme para naman sa East Service Road Expansion Project ng Ayala ang pansamantalang sitwasyon sa dadaanan ng motorista sa naturang lugar.
Mayroong ilalagay na mga senyas at traffic advisory sa mga apektadong lugar upang magabayan ang mga motorista sa kanilang dadaanan.
"We seek the public's cooperation and understanding for this temporary inconvenience, as the government continues its efforts to provide a better and more reliable commuting experience for Filipino commuters," ang pahayag ng DOTr.
Ang NSCR-Ex ay isang 147-kilometrong regional railway system na naglalayong ikonekta ang National Capital Region (NCR) sa mga probinsya sa Central Luzon at CALABARZON.
Kapag natapos, makakarating na ng Clark City sa Pampanga at Calamba, Laguna nang mabilis.
East Service Road na Papuntang Bicutan at Narra Road, Pansamantalang Isasara | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
