Sa pagtatapos ng Ramadan, ngayong araw na ito, Abril 10, 2024, ay itinakda ang Eid Al-Fitr makaraang makita ang buwan o crescent moon.

Nakahanda na ang mga mosque sa Taguig City para sa mga Muslim worshippers na magsa-salah o magdarasal bandang alas sais ng umaga.

News Image #1


"Eid Al-Fitr is the culmination of our 30 days of fasting in the Muslim world. So we are happy to celebrate it. There is unity, harmony, and camaraderie," ang pahayag ni Ebra Moxir, presidente ng Imam Council of the Philippines

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Abril 10, 2024 bilang regular national holiday upang maiangat ang kahalagahang pang-relihiyon at kultural ng Eid Al-Fitr.

Ang Eid Al-Fitr ay isang espesyal na panahon para sa mga Muslim, makaraan ang isang buwang pag-aayuno sa panahon ng Ramadan.

Ngayong natapos na ang Ramadan, bukod sa panahon ng pagdarasal ay nagkakaroon din ng handaan at bigayan.