Regular holiday ang Abril 10, 2024 sa buong Pilipinas dahil sa Eid'l Fitr o pagtatapos ng Ramadan.

Ito ang idineklara ng Malacañang batay sa Proclamation Number 514 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. makaraan namang irekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).

"WHEREAS, in order to bring the religious and cultural significance of the EidT Fitr to the fore of national consciousness, and to allow the entire Filipino nation to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid Fitr, it is necessary to declare Wednesday, 10 April 2024, a regular holiday throughout the country," ang nakasaad sa proklamasyon.

News Image #1


Ang Eid'l Fitr ay isang Islamic holiday na nagtatapos sa panahon ng pag-aayuno para sa Ramadan. Kinakalkula ang petsa ng naturang holiday base sa pagkita sa bagong buwan ng isang moon sighting committee ng NCMF.

Samantala, ang Abril 9, ay isa ring regular holiday dahil ginugunita naman ang kabayanihan at kamartiran ng mga nasawi sa Bataan Death March noong panahon ng pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas.