Magsasagawa ng entrance examination ang Philippine Military Academy (PMA) bukas, Setyembre 6 hanggang Linggo Setyembre 7, 2025 sa Taguig City Auditorium sa General Santos Avenue.
Ang mga interesadong maging sundalo ng bayan ay maaaring mag-apply bilang walk-in applicants sa mga araw ng eksaminasyon.
Ang mga aplikante ay kailangang nasa lugar ng aplikasyon ng alas 7:00 ng umaga para sa pagpo-proseso at alas 12:00 ng tanghali naman ang simula ng eksaminasyon. Hinihikayat ang mga aplikanteng magdala ng kanilang sariling pagkain.
Ang mga aplikante ay kailangang naka-puting t-shirt, long pants at closed shoes.
Ang mga nag-apply online o sa pamamagitan ng mail o transferee ay kailangang magdala ng:
1. Printed Exam Permit with latest 2x2 picture with white background;
2. One (1) extra pc latest 2x2 picture with white background;
3. Valid ID (School ID, Driver's License, National ID, etc)
4. Magdala ng sariling lapis #2
Ang mga walk-in applicants naman ay kailangang magsumite ng:
1. Duly Accomplished Application Form;
2. Photocopy of PSA Birth Certificate;
3. Photocopy of SHS Form 137 or 138 (with at least 85% GPA/GWA);
4. Two (2) pcs latest 2x2 picture with white background;
5. Valid ID
6. Magdala ng sariling pencil (#2)
Walang bayad ang eksaminasyon sa PMA.
(Mga larawan ng PMA)
Eksaminasyon ng Philippine Military Academy, Isasagawa sa Setyembre 6-7, 2025 sa TCU Auditorium; Puwede ang Walk-in | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
