Ginulat ng Filipina tennis star na si Alex Eala at ng kanyang Amerikanang partner na si Iva Jovic ang mga beterano sa tennis na sina Venus Williams at Elina Svitolina.
(Larawan ng Women's Tennis Association)
Ito ay makaraang talunin nina Eala at Jovic ang mga veteran tennis stars sa iskor na 7-6 (7), 6-1, sa doubles opening round ng ASB Classic sa Auckland, New Zealand ngayong Lunes, Enero 5, 2026.
Ang mga hindi nakaranggong top players sa tennis (unseeded) na sina Eala at Jovic ay nahirapan sa unang set bago umariba sa second set upang makuha ang panalo sa loob ng isang oras at 29 na minuto.
Ang 45 taong gulang na si Williams ay nanalo na ng 14 na Grand Slam doubles titles at ang partner nitong si Svitolina ay may dalawang career doubles crowns.
Dahil sa panalo, sina Eala at Jovic ay haharap sa sinuman sa mananalo sa mga top seeds na sina Asia Muhammad at Erin Routliffee o sina Jesika Malekova at Renata Zarazua.
Bago ang labang ito, haharapin muna ni Eala ang dalawang beses na Grand Slam quarterfinalist na si Donna Vekic sa singles opening round bukas, Snero 6, 2026 ng hapon.
Ito ang kauna-unahang turnamento ni Eala para sa season na ito, na siyang paglulunsad din sa kanyang Australian Open campaign.
Filipina Tennis Star Alex Eala at American Partner Iva Jovic, Pinataob ang mga Beteranang sina Venus Williams at Elina Svitolina | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
