Isang Filipino-American na nurse practitioner mula sa Tuguegarao City, Cagayan ang kinasuhan sa Houston, Texas dahil diumano sa kanyang kinalaman sa malawakang scam sa health insurance sa Estados Unidos.

Ayon sa ulat, tinarget ni Marizel Cambri Yukee, isang residente nf Las Vegas, Nevada, ang mga matatandang may malubhang sakit na benepisyaryo ng Medicare health insurance.

Mahigit ₱51 bilyon sa ating pera ang diumano ay natangay ni Yukee at kanyang mga kasamahan sa panloloko sa Medicare.

News Image #1

(Larawan ng FBI-Houston)

Ayon sa mga abogado ng pamahalaan, nagsumite si Yukee at kanyang mga kasamahan ng mahigit sa $906 milyong dinayang reimbursement claims sa Medicare at Tricare sa pagitan noong Oktubre 2023 hanggang Abril 2026.

Nagbayad naman ang Medicare at Tricare ng mahigit sa $297 milyon base sa mga isinumiteng dinayang claims na ito.

Ayon sa mga abogado ng pamahalaan. ginamit ni Yukee ang milyon-milyong dolyar na pera para bumili ng $594,000 Ferrari 296 GTS at isang $158,000 Cadillac Escalade, isang $865,000 Bulgari na kwintas, million-dollar na bahay sa Hawaii at para pondohan ang konstruksyon ng isang $4.6 million na beach resort sa Sta. Ana, Cagayan.

Nagbayad umano si Yukee at ang kanyang mga kasabwat ng ilegal na
kickbacks at suhol upang i-refer sa kanilang mga klinika ang mga Medicare at TRICARE beneficiaries.

Si Yukee ay isang nurse practitioner na lisensyado ng State of Nevada.

Pag-aari ni Yukee ang Wound Medic, My BestHealth First, AllCare Mobile Wound Treatment at Oracle Wound Treatment.