"Hypothetical," ito ang sagot ng Kagalang-galang Dana Kursh, Ambassador ng Israel sa Pilipinas, sa katanungan kung madadamay ang Pilipinas sa nangyayaring tensyon ngayon sa Gitnang Silangan.

News Image #1

(Larawan ng Taguig.com)

Sa isang press conference sa Bonifacio Global City, Taguig City, kaninang umaga, Marso 3, 2026, sinabi ni Ambassador Kursh na hindi niya nakikitang makakaladkad ang Pilipinas sa sigalot sa Gitnang Silangan, o tatargetin dahil lamang nandito ang ilang puwersa ng Estados Unidos para sa mga pagsasanay-militar.

Ang kanyang paniniwala ay batay na rin sa mismong pahayag ni Defense Secretary Eduardo AƱo na walang direktang banta sa Pilipinas ang tensyon sa Gitnang Silangan.

"I will rely on your experts, and the DND and NSA (National Security Agency) are the experts, and they're very clear in their statements," ayon kay Ambassador Kursh.

Sinabi pa ng Ambassador na umaasa siya na maiintindihan ang posisyon ng Israel na na nasa isang masalimuot na sitwasyon at nagnanais lamang na protektahan ang kanilang bansa.