Ilang mga gusali ang pinaghahandaan ang natural na kalamidad tulad ng lindol lalo na at sinasabing ang "Big One" ay maaaring mangyari anumang araw sa Metro Manila.

Bilang paghahanda, ang Bamberton Center, isang 18 palapag na gusali sa Arca South, Barangay Western Bicutan, Taguig City ay gumagamit ng QuakeSafe seismic isolation technology upang mas mapaunlad ang structural stability atmapalakas ang paglaban ng gusali sa anumang pagyanig.

News Image #1

(Bamberton Center)

Ang opisina at commercial development na ito ay itinatayo ng Maxblocks Construction Corporation.

Ito ay mayroong apat na basement levels at base-isolation technology upang mabawasan ang paggalaw ng kinatitirikan nito kapag may lindol.

Ang sistema sa Bamberton Center ay gumagamit ng 42 sets ng high-damping rubber bearings mula sa Bridgestone Japan at mga suporta tulad ng flexible pipe connections at seismic gap covers.