Aksidenteng naiputok ng isang security guard ng Market!Market! sa Taguig City ang kanyang baril noong Mayo 12, 2025 bandang alas 6:00 ng gabi.
(Larawan ng Taguig Police)
Ayon sa pangunang imbestigasyon, nasa entrance/exit ng North Park Restaurant sa ibabang palapag ng Market! Market! Ayala Mall, Bonifacio BGC ang guwardiya na diumano ay naglilinis ng chamber ng baril na inisyu sa kanya.
Biglang pumutok ang baril dahil hindi nito natanggal ang magazine ng baril.
Inaresto ng mga tauhan ng Taguig City Police Station ang security guard dahil sa kasong Alarm and Scandal at sa paglabag ng Republic Act (RA) No. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), na may kaugnayan sa R.A. 7166 (Omnibus Election Code), makaraan ang aksidenteng pagputok ng baril.
Ang guwardiya ay dinala sa Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) para sa karagdagang imbestigasyon at sa paghanaeap ng kaso.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Taguig Police sa PNP-SOSIA upang siyasatin ang Anti-Crime Force Security Services Inc., at magsusumite ng request sa PNP-Firearms and Explosives Office (FEO) ulang malaman ang legalidad at estado ng rehistrasyon ng baril na nasa guwardiya.
Aalamin din sa Commission on Elections (COMELEC) kung exempted ang naturang baril lalo na at naganap ang aksidenteng pagputok nito sa panahon ng eleksyon.
"Taguig PNP assures the public that incidents such as this will be thoroughly investigated and measures will be taken to ensure the safety and security of the community," ang pahayag ng Taguig Police.
Guwardiya ng Restaurant sa Market!Market! Aksidente Diumanong Naiputok ang Baril sa Harap ng Establisamyento | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
