Patuloy na magpapaulan sa bansa ang Habagat o Southwest Monsoon mula ngayong gabi hanggang bukas ng hapon, Hulyo 13, 2026.

Ito ay sa kabila ng pag-alis na sa bansa ng Bagyong Inday (Bavi) kahapon ng umaga, Hulyo 11, 2026.

News Image #1


May namataan ding low pressure area (LPA) ang DOST-Pagasa kaninang alas 2:00 ng hapon, Hulyo 2026, na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at mababa pa naman ang tsansang maging bagyo. Ito ay nasa layong 1,800 kilometro silangan ng Eastern Visayas.

News Image #2


Batay sa weather forecast ng Pagasa, ang malakas na ulan ay babagsak sa pagitan ng ngayong gabi hanggang bukas ng hapon sa:
(50-100 mm):
Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro

(Mga larawan ng DOST-PAGASA)