Ang Southwest Monsoon na pinalalakas ng lumabas na bagyong Nando at pumasok na bagyong Opong ang nagpapaulan ng malakas ngayon sa mga sumusunod na lugar:
Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Batangas, Quezon, MIMAROPA, Western Visayas, Negros Island Region, Zamboanga del Norte, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Camiguin, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Sarangani, Davao del Sur, at Davao Oriental.
(Larawan ng PAGASA)
Bukas, Setyembre 25, 2025, malakas ang ulan sa mga sumusunod na lugar:
Ilocos Region, Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Isabela, Zambales, Bataan, Zamboanga del Norte, MIMAROPA, Visayas, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region
Sa Biyernes, Setyembre 26, 2025, papaulanin ng Habagat ang mga sumusunod na lugar: Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Zamboanga del Norte, MIMAROPA, Visayas, Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region.
Aabot sa 3 metro ang alon sa silangang baybayin ng
Northern Samar at Dinagat Islands; at sa hilaga at silangang Eastern Samar.
Aabot naman sa 2.5 metro ang alon sa silangang baybayin ng
Catanduanes at Davao Oriental; at sa hilagang baybayin ng Northern Samar.
Mas lalo pang lalakas ang bagyong Opong habang nasa ibabaw ng Philippine sea at maaaring umabot sa typhoon category bago pa bumagsak sa kalupaan ng Bicol Region. Hihina ito kapag tumatawid na sa Pilipinas. Maaaring lumakas ito muli kapag nasa ibabaw na ng West Philippine Sea.
Habagat, Pinalalakas ng Bagyong Nando at Opong | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
