Umabot sa 18, 961 na ilegal na paputok ang nakumpiska ng Southern Police District (SPD) bago pa man salubungin ang Bagong Taon.

News Image #1


Sa Taguig City, umabot sa 5,999 na mg ilegal na paputok na nagkakahalaga ng ₱45,652.00 ang nakumpiska ng pulisya sa kanilang isinagawang paglilibot.

News Image #2


Sa nasasakupan ng SPD, umabot sa halos kalahating milyong piso ang halaga o ₱452,439.00 ng nakumpiskang 18,231 ipinagbabawal na firecrackers, pyrotechnic devices, at boga ang nakuha ng pulisya.

News Image #3


Sa Pasay ay 662 paputok ang nakumpiska na nagkakahalaga ng ₱4,930.00, sa Makati ay 544 paputok na nagkakahalaga ng ₱18,930.00, at sa Parañaque ay 1,724 paputok na nagkakahalaga ng ₱243,650.00.

Sa Las Piñas naman ay umabot ng 856 paputok na nagkakahalaga ng ₱9,442.00, sa Muntinlupa ay nakakumpiska ang pulisya ng 9,122 bawal na paputol na umabot sa ₱125,035.00 ang halaga at sa Pateros ay 54 na paputok na nasa ₱4,800 ang halaga.

"This operation reflects SPD's strong commitment to ensuring a safe and joyous New Year for every resident. Each firecracker and pyrotechnic device removed from the streets represents a potential accident prevented," ang pahayag ni SPD District Director Randy Arceo.

(Larawan ng SPD)