Tatlong taong nagtago sa batas subalit nahuli rin ng Taguig City Police ang ika-siyam na most wanted person sa lungsod para sa ikalawang bahagi ng 2024.

News Image #1


Sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong pagnanakaw at pananakot na inisyu ng korte sa Taguig, naaresto ng
Warrant and Subpoena Unit ng Taguig City Police Station ang isang lalaking hindi pinangalanan sa Barangay Lower Bicutan noong Abril 5, 2024.

Ang akusado ay may pending na warrant of arrest para sa mga kriminal na kaso sa ilalim ng Bilang 4739 para sa Revised Penal Code (RPC) Article 293 o Robbery na ipinalabas ni Judge Marivic Cudilla Vitor Presiding Judge ng Regional Trial Court, NCJR, Branch 266, Taguig City noo pang Marao 8, 2021. May inirekomenda ritong Php100,000 piyansa.


Isa pang kaso na may numerong 3659 para sa RPC Article 294 na Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons na ipinalabas naman noong Marso 2, 2021 ni Judge Bernard Pineda Bernal ng by HON. BERNARD PINEDA
Regional Trial Court, NCJR, Branch 70, Taguig City ang isinilbi rin sa akusado at may Php100,000 piyansang inirekomenda.

Ang akusado ay nakakulong ngayon sa Custodial Facility ng Taguig City Police Station.

(Larawan mula sa Taguig City Police Station)