Dahil sa matinding init ng panahon at masusungit na bagyong dumarating sa Pilipinas, ilang mga magulang na ang piniling mag-home schooling na lamang ang kanilang mga anak. Bukod pa ito sa problema ng biglang pagkalat ng sakit sa mga classrooms na nakaka-abala rin sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga bata sa isang regular na school setting.

Gayundin, ang pagiging mas mura ng homeschooling ang isa sa mga dahilan ng pagdedesisyon ng mgfa magulang na ilipat sa ganitong pamamaraan ng pag-aaraal ang kanilang mga anak lalo na at wala nang babayarang pasilidad ng eskwelahan, miscellaneous fees, school uniform at maging ang transportasyon o school service ng mga bata.

News Image #1


Sa isang survey ng mga institusyong nag-aalok ng homeschooling sa Pilipinas, ang basic tuition fee sa mga ito ay nasa P5, 000 hanggang P100, 000 kada taon, depende sa programa. Mayroong homeschool providers na may kapartner na dayuhang eskwelahan o may foreign accreditation kaya nagiging mahal.

Sa pinakabagong pagsasanib ng malalaking institusyon sa edukasyon na inaprubahan ng Securities and Exchange Commission (SEC), nabuo ang NTC SmartClass Homeschooling Program ng National Teachers College at APEC Schools.

Ang National Teachers College ay may 95 taon nang track record sa kahusayan sa edukasyon ng mga guro samantalang ang APEC Schools naman ay nakilala sa makabagong paraan ng pagtuturo.

Ang NTC SmartClass ay isang homeschooling program para sa mga bata mula Kinder hanggang Grade 10. Kinikilala ng programa ang pangangailangan para sa isang flexible at mas malawakang solusyon sa edukasyon na tutugma sa pangangailangan ng mga modernong pamilya. Nabuo ito mula sa pangangailangan sa online learning noong panahon ng pandemya.

Inaangkop ng NTC SmartClass ang pagtuturo sa pangangailangan at interes ng bawat estudyante sa pag-aaral.

"The program offers flexible study schedules using a learning-by-doing approach. NTC SmartClass gradually forms skills, helping learners understand and retain information effectively as they develop a love for learning," ayon sa NTC.


May tinatawag itong "triangle of support" kung saan nagtutulong-tulong ang mga magulang, eksperto sa subject matter at academic advisers sa pagtuturo sa mga bata.

"The triangle of support ensures that we support each homeschooler along the way and that no one gets left behind, which fosters a love for learning," ayon kayMark Sy, Chief Learning Officer ng APEC SChools.

Gayundin, tiniyak ng NTC SmartClass na makakaya na "flat at affordable ang kanilang rate" sa enrollment. Kung magdadagag ng curriculum, dito lamang magbabayad subaliut hindi ito ipipilit.

[Larawan mula sa NTC SmartClass)