Nagbigay-pugay ang Taguig City sa monumento ni Dr. Jose Rizal sa Taguig City Hall bilang selebrasyon ng ika-129 anibersaryo ng kanyang kabayanihan.
Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano at ng mga kabataang Taguigeño sa pamamagitan ng mga miyembro ng Boy Scouts of the Philippines ang naturang pagdiriwang.
"Nawa'y magsilbing gabay ang paggunita sa kanyang legasiya sa patuloy nating pagpapahalaga sa kalayaang tinatamasa natin, lalo't higit sa ating kabataan. Sa Lungsod Taguig, patuloy nating isinusulong ang matibay na suporta sa pagpapalakas at pagpapaunlad ng talento at kahusayan ng kabataan sa iba't ibang larangan, lalo na sa edukasyon-isang adhikaing higit na pinahalagahan ng ating bayaning si Rizal," ang pahayag ng alkalde sa kanyang social media account.
Sinabi ni Cayetano na inaasahan niyang itataguyod ng lahat - bata man o matanda - ang mga aral ni Rizal kaugnay ng integridad, pagpapahalaga sa edukasyon at pagpapaunlad ng sarili para sa bayan.
(Mga larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)
Ika-129 Na Taon ng Kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, Ginunita sa Taguig City Hall | Taguig Balita
Language: Switch to English
