Ginunita ang ika-80 Araw ng Pagpapalaya ng Taguig sa pamamagitan ng seremonya sa Taguig City Hall grounds noong Pebrero 22, 2025.

News Image #1


Binigyan ng pagpupugay ang katapangan sakriprisyo ng mga beteranong militar na nakipaglaban para sa kalayaan ng lungsod noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

May 200 beterano mula sa mga veteran federations ng Pilipinas at 150 miyembro ng Philippine Army ang lumahok sa kaganapan.

News Image #2


Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano kasama sina Vice Mayor Arvin Ian Alit, city council members, mga opisyal ng Samahan ng mga Anak ng Beterano (SDAI), Brigadier General (Ret.) William Esplana, Lt. Gen. Col. Enrique Rafael ng Philippine Army, at SK Federation President Joanna Pagkalinawan, ang wreath-laying ceremony.

News Image #3


Sinundan naman ito ng gun salute ng Philippine Army.

Inihayag ni Cayetano na ang tunay na kalayaan ay hindi lamang ang pagiging malaya mula sa pananakop ng mga dayuhan.

"Inialay na ng ating mga bayani ang kanilang dugo, tapang, at buhay upang makamit natin ang kalayaan. Ngunit ang hamon sa atin ngayon ay labanan ang kamangmangan, gutom, at kawalan ng pag-asa. Patuloy nating pagsisikapan ang mga programang magbibigay ng tunay na kalayaan sa bawat Taguigeño upang matupad nila ang kanilang mga pangarap," ayon kay Cayetano.

Ang Philippine Army Band, kasama ang Taguig City Chorale and Band, ang nanguna sa doxology.

(Mga larawan mula sa Taguig PIO)