Simula Hulyo 4, 2026, libre na ang InstaPay transfer mula sa Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) patungo sa ibang bangko.

ito ay makaraang simulan ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang libreng InstaPay at PESOnet transfers simula noong Hulyo 1, 2026.

News Image #1


Sa RCBC, InstaPay transfers lamang ang libre sa pamamagitan ng online banking platform nitong Pulz at digital banking app na DiskarTech.

Ang libreng transfer sa Pulz ay para lamang sa unang 30 InstaPay transactions bawat buwan, na ang minimum transfer ay nasa ₱100, ayon sa RCBC

Wala namang limitasyon ang libreng InstaPay transfers ng hanggang ₱50,000 bawat transaksyon ng DIskartech.

Ang InstaPay ay isang real-time electronic fund transfer system na inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2018 kung saan maaaring makapaglipat ng kanilang pondo ang mga nagbabangko ng madalian.

Sinabi ng dalawang bangko na ang kanilang aksyon ay alinsunod sa BSP Circular No. 1238, s. 2026, na humihikayat sa mga financial institutions na maghatid ng rasonable at patas na presyuhan sa electronic fund transfers.