Isa na namang poste ng Meralco ang nagliyab sa Taguig City kagabi, Abril 28 ng alas 9:30.



(Video ng Taguig.com Member)

Ayon sa Taguig.com Group member, ang posteng umapoy ang kawad ng kuryente ay nasa Paulina Ville, Barangay Calzada-Tipas, Taguig City.

Agad namang nagresponde ang mga bumbero ng Taguig at nagbantay sa anumang kaganapan makaraang makontrol nila ang nagliyab na kawad ng kuryente.

News Image #1

(Kuha ni Dek Terante)


Tiniyak din ni Claire Feliciano ng Meralco na magpapadala agad ng crew upang ayusin ang posteng umapoy.

Sinabi ni Feliciano na ang madalas na pag-apoy ng nga poste ng kuryente ay bunga ng overloading o sobrang paggamit sa kuryente ng mga mamamayan bunga ng sobrang init ng panahon.

Nakiusap naman ang anonymous Taguig.com member na bigyan ng solusyon ang madalas na pagliyab ng mga poste ng kuryente.

"Humihingi kami ng tulong sa mga opisyal ng barangay at sa Meralco na mabigyan ng pangmatagalang solusyon ito, dahil pangalawang beses na itong nangyare sa isang linggo at nakakaalarma na para sa lahat ng residente," ang ibinigay na pahayag ng Taguig.com member.

News Image #2

(Mula sa FB Page ng Barangay Calzada-Tipas)

Noong isang linggo ay umapoy rin ang poste sa may Cristobal St. Barangay Central Bicutan, Taguig na naging dahilan para mawalan ng kuryente ang mga residente ng ilang oras