Magbabalik sa Siargao si Ambassador Dana Kursh, representante ng Israel sa Pilipinas, upang isulong ang proyektong may kinalaman sa solusyon sa tubig sa lugar at iba pang mga programang makakatulong sa kaunlaran nito.
(Larawan ng Taguig.com)
Bagaman at malungkot ang unang dahilan ng pagtungo ng emisaryo ng Israel sa Siargao, nagbunga ito ng maganda makaraang malaman ni Amabassador Kursh ang mga pangangailangan ng paradise island at matugunan ang napaulat na panggugulo ng ilang mga turistang Israeli sa lugar, partikular sa General Luna.
Nakipagdayalogo si Ambassador Kursh sa mga lokal na pinuno, pulis, tourism stakeholders, may-ari ng mga negosyo, at mga residente sa isinagawang town hall discussion sa Siargao kamakailan.
"Yes, there are Israeli tourists whose behavior is unacceptable. To this I say clearly, this behavior is wrong, disrespectful, and unacceptable. I condemn it completely and call anyone harmed by illegal or abusive behavior to report it to the relevant Philippine authorities. The Embassy of Israel fully supports fair and firm enforcement of the law. At the same time, I ask people not to paint all Israelis with the same brush," ang pahayag ni Ambassador Kursh.
Aniya, nakausap niya rin ang ilang turistang Israeli na mahal at nirerespeto ang Siargao at sumusuporta sa mga lokal na negosyo rito. Karamihan aniya ay mga batang backpackers na ang nais lamang ay katiwasayan, mag-surf at magkaroon ng panibagong karanasan sa naturang isla.
"I also ask that broader international political narratives should not overshadow the reality of Siargao as a peaceful and welcoming tourism destination," dagdag pa ng ambassador.
Dahil din sa pangyayari, inilunsad ng Israel Embassy sa Pilipinas ang isang awareness campaign sa mga turistang Israeli sa bansa kung saan hinihikayat ang mga itong maging marespeto at alalahanin na ang bawat isa sa kanila ay "representante" ng Israel.
"Our message is simple: respect the local culture, respect the law, and respect the community that welcomes you," ang binigyang diin ni Ambassador Kursh.
Una rito, napaulat ang ilang suntukan at alitan sa pagitan ng ilang turistang Israeli sa Siargao Beach Club at sa iba pang lugar sa isla.
Gayundin, kumalat online ang diumano ay pananakit ng mga turistang Israeli sa mga may-ari ng kapehan sa General Luna dahil nakitang may nakalagay na bandila ng Palestine sa kanilang establisamyento.
Israel Ambassador to the Philippines Dana Kursh, Nakipagdayalogo sa mga Opisyal at Residente sa Siargao | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
