Mula 3,000 yen, itataas na sa 15,000 yen ang single entry visa ng mga dayuhan sa Japan simula sa Hulyo 1, 2026.
Nangangahulugan itong mula P1, 140, magiging P5,700 na ang visa para sa single entry.
Ang mag-a-apply naman ng multi-entry visa ay magbabayad na ng P11,400 o 30,000 yen mula sa dating P2,280 o 6,000 yen.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 48 taon na nagtaas ng visa fee ang Japan, simula noong 1978.
Sinabi ni Foreign Minister Toshimitsu Motegi na ang pagbabago ng visa fee ay dahil sa pagtaas ng inflation at iba pa, at nakikita nilang hindi naman ito makakaapekto sa turismo ng kanilang bansa.
Japan Visa, 5 Beses ang Pagtataas ng Presyo Ngayong Hulyo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
