Ipinatapon na palabas ng bansa ang isang Japanese national na diumano ay miyembro ng notorious na "Luffy" gang at napiit sa Bureau of Immigration Detention Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Ang 54 na taong gulang na Hapon na si Takayuki Kagoshima ay may kinalaman umano sa mga pagnanakaw at panloloko sa Japan na gawain ng Luffy Gang.
(Larawan mula sa Bureau of Immigration)
Si Kagoshima ay sinamahan ng isang grupo ng Japanese police escorts sa pagsakay sa Japan Airlines na patungong Tokyo mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Hunyo 11, 2024 ng alas 10:00 ng umaga.
Si Kagoshima ang ika-pitong miyembro ng Luffy gang na napadeport na ng BI. Si Luffy ay isang fictional character na kapitan ng "Straw Hat" pirates sa Japanese manga series na One Piece.
Si Kagoshima ay naaaresto ng Immigration fugitive unit sa Pasay City noong Marso 4, 2024. Nasa listahan ito ng mga wanted simula pa noong Oktubre ng nakaraang taon nang magpalabas ang BI ng summary deportation laban dito at sa walong iba pa na miyembro ng Japanese gang.
Bukod sa Luffy gang, miyembro rin umano si Kagoshima ng sindikatong JP Dragon na nakapagnanakaw sa mga cash cards ng mga biktima sa pamamagitan ng pagpapanggap na sila ay mga pulis.
Japanese Gang Member na Notorious sa Japan sa Pagnanakaw at Pamemeke, Naipatapon na Palabas ng Bansa | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
