Ngayong araw na ito, Hulyo 4, 2026, ang kaarawan ni Laureana "Ka Luring" Franco, ang Taguigeña na nakalinya upang maging Santo.

Si Ka Luring, na tinatawag na ng Simbahang Katoliko na Servant of God, ay ipinanganak noong Hulyo 4, 1936 sa Barangay Hagonoy, Taguig City. Siyamnapung taon na sana siya kung nabubuhay pa.

News Image #1


Nasawi si Ka Luring noong Oktubre 11, 2011 sa edad na 75 makalipas makipaglaban sa sakit na kanser.

Itinuon ni Ka Luring ang kanyang buhay sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal, katekismo at pagseserbisyo ss mga mahihirap.

Panganay si Ka Luring sa walong magkakapatid at mahirap lamang ang kanilang buhay subalit matibay ang kanilang paniniwala sa Diyos.

Nagtrabaho siya noong una bilang switchboard operator sa Philippine Air Force hanggang tinugunan niya ang tawag ng Diyos para magkatekismo ng walang bayad sa Legion of Mary noong 1969.

Marami ang natulungan ni Ka Luring sa 4 na dekada niyang paglilingkod.

Patuloy ang proseso para sa kanyang canonization o daan tungo sa pagiging Santo lalo na at ibinigay na ng Vatican ang nihil obstat, o wala nang makakahadlang, sa Diocese of
Pasig.

Ito ay opisyal na sertipikasyon na inilabas ng church censor (o censor librorum) na nagpapahayag na ang manuscript ay na-eksamin na at walang kontra sa paniniwala o moralidad.