(Ibinahagi sa Taguig.com)
Ayon sa residenteng tumangging magpakilala, ipinaglalaban lamang nila ang kanilang karapatang muling makapagtayo ng bahay makaraang masunog ang bahaging ito ng Sitio Pusawan.
"Mam, 'yung sinasabi po ng police na di pwede gumalaw magkabilang panig ang napag usapan po kasi namin sa brgy. non kasama ang mga guard at si kapt. sabi ng guard limang pamilya kada linggo ang magtatayo ng bahay. Kaso nag antay po kami ng two months na sinasabi Ng DMCi na tutulong sila sa amin. Kaso di po nila yon tinopad kaya po kami na lang ang kumilos sabay sabay kami nagtayo ng bahay. At ang Iba di makasabay kasi walang materyales di pa kaya ng budget," ang kuwento ng residente.
Gayunman, nang tanungin natin ang residente kung may kasulatan, wala siyang maipakita.
