Target ng kasunduan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig at ImagineLaw Inc. na mabawasan o mapigilan ang mga pang-aabuso, pananakit, bayolenteng pangyayari, aksidente at iba pa na may kinalaman sa pag-inom ng alak.

Lumagda sa kasunduang tinatawag na Reset Alcohol Project sina Taguig City Mayor Lani Cayetano at ImagineLaw Executive Director Sophia Monica San Luis noong Mayo 12, 2026 sa New City Hall Building sa Barangay Ususan, Taguig City.

News Image #1

(Larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Lani Cayetano)

Ang Taguig ang kauna-unahan sa mga local government units na nag-iimplementa ng Reset Alcohol Project, na nagsusulong ng mga patakarang may ebidensyang makakatugon sa mga isyung may kinalaman sa nakakalasing na inumin tulad ng aksidente sa daan, karahasan sa loob at labas ng tahanan, panganib sa kalusugan at delikadong kapaligiran kung saan nasa panganib ang mga kabataan.

Sinabi ni Cayetano na ang kasunduang ito ay nagpapalakas sa mga isinusulong na ng Pamahalaang Lungsod upang maprotektahan ang kalusugan at kalagayan ng mga Taguigeño.

"Today marks an important step in our continuing commitment to protect public health and strengthen the well-being of every Taguigeño family. We are honored that Taguig has been chosen as one of the pioneering local government units in the Philippines to implement this initiative alongside organizations that have dedicated themselves to advancing health and safety."

Binigyang diin din ng alkalde ang mga pangangailangan ng mga buhay na polisiya upang matugunan ang masamang epekto ng nakalalasing na inumin sa mga komunidad.

"Across many communities, alcohol-related harm continues to affect families, workplaces, schools, and public spaces. We see its impact on road safety, on violence and injury prevention, on the health of individuals, and on the future of young people who deserve safe environments where they can grow and thrive."

Ang kasunduan ay magpapalakas din sa implementasyon ng Ordinance No. 06 tungkol sa anti-public drinking at consumption of intoxicating substances.

Sa ilalim ng kasunduan, iimplementa ang mga public awareness campaigns, enforcement planning, ar capacity-building programs para sa mga opisina sa Pamahalaang Lungsod.

Ang ImagineLaw rin ang magbibigay ng legal at technical assistance para sa alcohol prevention ordinances.