Ibinahagi ng isang Taguigeña ang kanyang karanasan kaugnay ng paghuhukay at paglilipat ng yumaong mahal sa buhay na nakalibing sa Taguig City Public Cemetery.

Ayon sa kanya, makaraang mabasa niya sa Taguig.com ang panawagan ng CSWDO tungkol sa mass exhumation ng mgaabi sa naturang sementeryo, agad niyang inayos ang labi ng kanyang kamag-anak at inilipat sa Ossuary.

Ang Ossuary ay vault o box kung saan inilalagay ang mga buto o skeletal remains ng yumao.

Ito ang kanyang pahayag:

"I'm done lately (already). Doon po yan sa public cemetery sa pinaka dulo tinatawag na Serenity. sa mismong tambak po dulo. If want nyo po ipalipat mga mahal niyo sa buhay sa mga bone box punta po kayo CSWDO sa munisipyo (Taguig City Hall) mismo first floor sa likod dulo. Ipa- trace nyo kung nandon parin mga remains nila. If nandon pa po and want niyo ipalipat kuha po kayo exhumation permit. Rerequest po nila kayo sa health office nila sa likod ng munisipyo for exhumation permit. Nasa 3rd floor po sila. After that inquire kayo ng bone box sa cemetery na gusto niyong paglipatan ng buto nila kung may available slots. Pagpapalipat sa bone box costs 8,000 pesos included na po lahat kahit lapida. Good for 5 years contract. After nyo mabayaran yun babalik ng CSWD request permit for pull out ng buto then proceed na po kayo sa sementeryong paglilipatan nyo sa binayaran nyo pong bone box niya. Btw, I paid 130 pesos for exhumation permit po. Hope this helps."