Bumababa ang mga kaso ng influenza-like-illness o ILI sa Taguig City.

Ayon sa City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU), mula sa 35 kaso noong Setyembre 14-20, 2025, nasa 7 kaso na lamang ang mayroon ng sakit sa pinakahuling ulat noong Oktubre 11, 2025.

News Image #1


Ang mga nagkasakit ay mga batang edad 1 hanggang 5.

Wala namang nai-report na Barangay Fort Bonifacio at barangay Ususan.

Tig-iisang kaso naman ang naitala sa Barangay Pinagsama, Tuktukan, at Ibayo.

News Image #2


Noong Oktubre 13 at 14, 2025, nagpasuspinde ng face to face na klase sa mga pampublikong paaralan ang Department of Education - National Capital Region dahil sa tumataas na kaso ng sakit.

Patuloy naman ang pagmo-monitor ng (CEDSU) at ng mga health centers, at naka-aktibo ang Fever Fast Lanes sa mga health centers ng lungsod, Taguig-Pateros District Hospital (TPDH), at sa Taguig City General Hospital (TCGH) na naglalayong matugunan agad ang mga batang may sintomas tulad ng lagnat, ubo, o sipon.

Ipinaalala ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na kapag may lagnat, ubo o sipon ang mga bata; dalhin agad ang mga ito sa health center para mapakonsulta.

(Mga infographics ng Taguig PIO)