Nahaharap sa kasong graft si Makati City Mayor Abby Binay sa Office of the Ombudsman bunga ng pagpapasara nito ng mga pampublikong health centers, parke at iba pang pampublikong pasilidad sa EMBO (enlisted men's barrio) barangays sa Taguig City.
[Photo1]
Ang mga nagharap ng reklamo ay sina Emilyn Cacho, residente ng Barangay South Cembo at Joahanna Junio, residente ng Barangay East Rembo.
Anila, nilabag ni Binay ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at anila ay hindi kaaya-aya ang inasal nito na naging dahilan para masakripisyo ang serbisyo para sa mga mamamayan, at isa anilang paglabag sa ipinag-utos ng Korte Suprema nang ilipat sa Taguig City ang hurisdiksyon ng EMBO barangays.
Sa kanilang reklamo, inakusahan nina Cacho at Junio si Binay ng pag-akto ng may malisya at "bad faith" nang ipasara at hindi ipagamit ang mga pasilidad, kahit na ang mga serbisyo nito ay napakahalaga para sa mga residente lalo na ang mga senior citizens, persons with disabilities, at ang mga mahihirap.
Si Cacho, ay na-stroke at sinabi niyang sa South Cembo health center siya noon kumukuha ng kanyang libreng maintenance medicines lalo na at malapit lang sa kanyang tinitirhan.
Si Junio naman na gumaling na sa sakit na kanser subalit nangangailangan pa rin ng regular na pagpapa-checkup ay nahirapan nang masara ang kanilang health center sa Barangay East Rembo.
Sinabi ng dalawa sa kanilang reklamo na nagawa ito ng Makati City Government na hindi man lamang na-guilty, nahiya o pinagsisihan ang pangyayari.
Kasong Graft Laban Kay Makati Mayor Abby Binay, Isinampa sa Ombudsman ng Dalawang Residente ng EMBO Barangay | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: