Umabot sa 50, 096 na examinees ang nakapasa sa Career Service Examinatjon - Pen and Paper Test na isinagawa ng Civil Service Commission (CSC) noong Agosto 10, 2025.

News Image #1

(Larawan ng CSC)

Gayunman, mababang porsiyento lamang sa mga nag-eksamin ang nakapasa kung saan 45, 730 lamang o 15.14% lamang ang nakapasa sa Professional Level kung saan 302,028 ang nag-eksamin.

Sa Subprofessional level naman, 4,366 o 14.73% lamang ng 29,647 na dumaan sa pagsusulit ang nakapasa.

"We congratulate all passers of the August 2025 examinations. Passing the CSE is a significant step toward a career in public service, and we hope that this achievement inspires more Filipinos to join the civil service," ang pahayag ni CSC Chairperson Marilyn B. Yap.

Ang listahan ng mga nakapasa ay nasa website ng CSC sa csc.gov.ph.

Kahit hindi nakapasa, makikita rin ang kanilang resulta sa eksaminasyon sa pamamagitan ng Online Civil Service Examination Result Generation System hanggang Oktubre 25, 2025. Kailangan ang Examinee Number upang makita ang individual rating. Kung walang rating, ipapadala ito sa pamamagitan ng koreo sa mga kumuha ng pagsusulit.

Ang Certificate of Eligibility (CoE) ng mga nakapasa na nakaprint sa letterhead ng CSC ay makukuha ng libre simula Nobyembre 18, 2025 sa CSC Regional Office (RO) o Field Office (FO) kung saan kumuha ng eksaminasyon ang aplikante.

Maaari ring kumuha ng COE na naka-print sa security paper sa anuman sa 16 na Regional Offices sa buong bansa. May bayad ito.


Mas mabuting kumuha muna ng iskedyul sa website ng CSC bago pumunta sa opisina.

Kailangan ding magdala ng balidong ID alinman sa mga ito: Driver's License, Passport, PRC License, SSS o GSIS ID (UMID), Voter's ID o Certification, BIR ID, PhilHealth ID, Company/Office ID, School ID, Police Clearance, Postal ID, Barangay ID, NBI Clearance, Seaman's Book, HDMF Transaction Card, PWD ID, Solo Parent ID, Senior Citizen's ID, o PhilID.