Tuloy ang pasok sa mga pampublikong eskwelahan sa Taguig City sa kabila ng matinding init ng panahon bunga ng El Niño phenomenon.

Ayon sa pamahalaang lungsod ng Taguig City, nagsasagawa sila ng mga hakbangin upang maprotektahan at maging komportable pa rin ang mga mag-aaral at mga guro ng 52 public schools sa Taguig habang isinasagawa ang on-site classes.

News Image #1


Nagsagawa ng pagpupulong para sa konsultasyon noong Abril 2, 2024 ang pamahalaang lungsod ng Taguig at Department of Education Taguig-Pateros (Deped Tapat) upang talakayin ang mga hakbangin kaugnay ng pagpapatuloy ng klase sa gitna ng napakainit na panahon na umabot na sa 43 degrees Celsius.

News Image #2


Makaraan ang consultation meeting, inatasan ni Taguig Mayor Lani Cayetano ang Taguig City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), at ang TOWER - Taguig Open Weather and Environmental Reporting System na iulat araw-araw ang temperatura at lagay ng panahon para may gabay ang mga Taguigeños.

"By understanding the local heat index, the community can take appropriate precautions to avoid heat-related illnesses such as heat stroke," ayon kay Cayetano.


Nagpalabas naman ng kautusan si DepEd Tapat
Division of Taguig City and Pateros Schools Division Superintendent Alejandro Ibañez na nagpapaluwag ng kautusan tungkol sa kasuotan ng mga guro at mag-aaral.

"Teachers can opt for polo shirts, while students are allowed to wear P.E. uniforms, jogging pants, and white shirts," ang nakalagay sa kautusan ng DepEd-Tapat.

Ibinawal din ang anumang aktibidad sa labas ng eskwelahan sa kasagdagan ng init o mula alas 10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon, upang maalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral.



Ang lahat din ng airconditioning units ng 52 pampublikong eskwelahan sa Taguig City ay siniyasat pinaaayos upang mas makapagbigay ng lamig sa mga mag-aaral at kanilang guro.

(Larawan mula sa Taguig PIO)