Sumabog ang Klyuchevskoy volcano sa Kamchatka peninsula ng Russia ilang oras makalipas ang malakas na 8.8 magnitude na lindol sa naturan ding lugar.

News Image #1

(Photo by: Russian Academy of Sciences)

Lumabas ang lava sa pinakamalaking aktibong bulkan sa northern hemisphere.

Batay sa deskripsyon ng

Russian Academy of Sciences - United Geophysical Service: "adescent of burning hot lava is observed on the western slope. Powerful glow above the volcano, explosions."

Matagal na ring inoobserbahan ang bulkang Klyuchevskoy na may taas na 4,750 metro (15,584 talampakan) dahil sa pagpapakita nito ng aktibidad.

Huling sumabog ang bulkan noong 2023.