Arestado ang isang lalaking nagwasiwas ng kanyang baril sa Manggahan Street Barangay Western Bicutan, Taguig kamakailan.
Ayon sa Southern Police District (SPD) at Taguig City Police, itinawag sa kanila bandang alas 2:00 ng madaling araw ng Mayo 19, 2026, ang isang 36 na taong gulang na lalaki na may hawak na baril at nilalaro-laro ito sa kalsada.
Nagtungo agad sa lugar ang mga tauhan ng Sub-Station 2 at nahuli si alyas Joemark na may dalang isang .38 revolver na walang serial number at may naka-markang "EBP," at may tatlong live rounds ng bala ng caliber .38.
Ang suspek, na walang trabaho, ay kinasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 10591, o mas kilala bilang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Ang mga baril at bala ay dinala na sa Southern Police District Forensic Unit para sa ballistic at cross-matching examination.
Lalaking Nilaro-Laro ang Baril sa Gitna ng Kalsada sa Barangay Western Bicutan, Arestado | Taguig Balita
Language: Switch to English