Mamamahagi ng bigas para sa mga Persons with Disability (PWD) ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa Barangay Pembo, Taguig bukas, Hunyo 19, 2026 simula alas 6:00 ng umaga.
Ang kick off ceremony ay isasagawa sa Cactus Open Court, Barangay Pembo.
(Art card ng Barangay Pembo)
Hindi na kailangang magtungo sa Cactus Open Court dahil ihahatid ang bigas sa bahay ng mga kwalipikadong PWD.
Kailangan lamang na magpakita ng orihinal na PWD ID ang mga rehistradong PWDs ng Barangay Pembo.
Kailangan din ang isang kopya ng PWD ID sa harap at likod.
Isang PWD lamang sa bawat pamilya ang mabibigyan ng libreng bigas sa ilalim ng Rice Up program.
Kung ang isang PWD naman sa isang pamilya o bahay ay nakatanggap na dati ng libreng bigas sa ilalim ng Rice Up Program, hindi na ito makakatanggap muli. Ito ay upang mas marami ang makinabang sa programa.
Libreng Bigas, Ipapamahagi sa PWDs ng Barangay Pembo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
