Isang libreng pag-aaral tungo sa pagkakaroon ng digital career ang inihahandog ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pakikipagtulungan ng Google.

Inilunsad ng DTI at Google ang Career Certification Program na naglalayong sanayin ang mag-aaral dito sa digital technology at pagdadagdag ng kaalaman sa larangang ito.

News Image #1


Ang libreng programa ay may anim na kursong puwedeng pag-aralan sa sariling oras at araw sa pamamagitan ng Coursera:

- Data Analytics

- User Experience (UX) Design

- Project Management

- IT Support/ IT Automation

- Digital Marketing & E-commerce, and

- Cybersecurity

Ang maaaring lumahok ay ang mga may-ari ng maliliit na negosyo na nagnanais na i-digitalize na ang kanilang negosyo o ang kanilang mga empleyado at staff.

Maaari ring lumahok ang mga kababaihan, out-of-school youth, persons with disability, senior citizens, ang mga walangf trabaho o kulang ang kinikita.

Kailangan lamang na labingwalong taong gulang pataas, Pilipino at residente ng Pilipinas, handang tapusin ang kurso sa takdang panahon, at mayroong gadget o computer sa bahay na may internet connection.

Kung interesado, sa proyektong ito ng DTI at Google, magrehistro lamang gamit ang Google Form: https://bit.ly/2024GCC-InterestForm. Maaari ring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected] para sa dagdag na katanungan.

Dahil limitado ang makakapasok sa programa, kailangang sumailalim ang magrerehistro sa proseso ng assessment upang makita kung sila at kwalipikado sa kinakailangan ng pagsasanay.

(Art card mula sa DTI)