Libreng gupit sa mga kalalakihan at libreng sanitary kits sa mga kababaihan ang ibinigay ng Sangguniang Kabataan ng Bagumbayan sa mga estudyante ng barangay bago nagbukas ang klase sa Taguig.
Sinabi ng SK ng Bagumbayan na pinamumunuan ni Ava Victoria, "mahalagang matiyak na ang ating mga mag-aaral ay handa, may kumpiyansa sa sarili, at may mga pangunahing pangangailangan upang mas maging maayos ang kanilang pagsisimula sa panibagong taon ng pag-aaral."
Nilalayon ng programang Youth Pamper 2026 na makatulong sa pangunahing pangangailangan ng mga estudyante sa kanilang pagbabalik-eslwela.
"Nais din nitong mabigyan ng dagdag na kumpiyansa ang ating mga kabataan habang sila ay naghahanda para sa panibagong yugto ng kanilang pag-aaral," dagdag pa ng SK Bagumbayan.
Nakatuwang ng SK Bagumbayan sa kanilang programa ang Kapitana ng barangay na si Jane Santos at ang buong konseho nito, at ang mga namumuno sa CP Sta. Teresa Elementary School at Bagumbayan National High School.
Libreng Gupit at Sanitary Kits, Ibinigay sa mga Kabataang Estudyante sa Bagumbayan Bago ang Pasukan | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
