Dalawandaang libong mga estudyante sa public schools sa Taguig ang makakatanggap ng libreng school uniforms.
Ito ay sa pamamagitan ng taunang ipinamimigay ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na kumpletong pangangailangan sa eskwelahan.
Sinimulan ang distribusyon ng libreng school uniform sa Ususan Elementary School at Dr. Artemio Natividad Elementary School (DANES) noong Sabado, Hunyo 13, 2026.
Sinabi ni Liga ng mga Barangay President Marie Marcelino na mahalaga ang edukasyon sa pagtiyak ng magandang kinabukasan ng mga kabataan kaya't patuloy ang suporta ng pamahalaang lungsod sa mga nag-aaral at sa kanilang pamilya.
"Hindi lang po dapat natin isipin kung paano maitatawid ang araw-araw na gastusin. Ang mahalaga ay maipagpatuloy ng ating mga anak ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap. Nandito po ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig upang umalalay sa kanila sa bawat hakbang," ayon kay Marcelino.
Isusunod ang distribusyon sa iba pang mga pampublikong eskwelahan ng Taguig.
(Mga larawan ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig)
Libreng School Uniform sa Public School Students ng Taguig, Sinimulan nang Ipamahagi | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
