Nanawagan si Kapitan Sonny Vertulfo para sa pagtutulungan ng magkakapitbahay sa Zone 3 Barangay Fort Bonifacio upang mabantayan ang mga linya ng kuryente at ipagbigay-alam agad sa mga otoridad kung sino ang nalalaman nilang nagnananakaw ng linya ng kuryente.

News Image #1

(Larawan mula kay Kap. Sonny Vertulfo)

Sa panayam ng Taguig.com, sinabi ni Kapitan Vertulfo na mula Block 3 hanggang Block 5 ang nanakawan ng kuryente na natuklasan nila kanina, Hulyo 11, 2026.

"Huwag naman nakawin ang linya ng kuryente sa Zone 3. Kaya nga po nilalagyan ng ilaw ang lugar para sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan. Sana po makapag isip din po na para sa mga mamamayan ang ginagawa ng barangay, dahil sa mga maliliwanag na mga kalsada at eskinta ay ligtas at panatag ang mga dadaan," ang pahayag ni Vertulfo sa social media

Maging ang CCTV aniya ay sinisira ng hinihinalang mga magnanakaw ng kuryente.

Napalitan naman agad ang linya ng kuryente sa lugar.