Buhay na naman ang Love Bus at ito ay ba-biyahe ng libre sa EDSA - C5 na sakop ng Quezon City at Pasig City sa darating na Abril o Mayo.
Sampung units ang tatakbo at ang bawat isang bus ay may kakayahang magsakay ng 30 pasahero.
Kabilang sa mga dadaanan ng electric Love Bus ay ang mga sumusunod:
EASTBOUND:
Robinsons Galleria
Estancia Mall
MMDA
Arcovia
Opus Mall
Arcovia Mall
Eastwood City
WESTBOUND:
Eastwood City
C5-Eastwood Footbridge
C5-Green Meadows Footbridge
C5-Green Meadows Gate
Tiendesitas
C5-Julia Vargas
MMDA
Estancia Mall
Robinsons Galleria
Ang biyahe ay mula alas 6:00 ng umaga hanggang alas 9:00 o alas 10:00 ng gabi, depende sa pangangailangan ng mga pasahero.
Lumagda sa kasunduan kahapon, Marso 3, 2026, ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Global Electric Transport Philippines (GET Philippines) para sa pagpaparakbo ng Electric Love Bus Program na magbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero.
Pinangunahan nina MMDA Chairman Atty. Don Artes at Global Electric Transport (GET) Philippines President Sigfrido Tinga ang paglagda sa memorandum of agreement sa MMDA Head Office sa Pasig City.
Hindi lang ang pagiging libre sa pamasahe ang benepisyo ng Electric Love Bus kung hindi ito ay mas malinis, walang ingay at mas modernong transportasyon na makakatulong din upang maengganyo ang ilang mamamayan na huwag nang magdala ng sariling sasakyan
Kabilang naman sa mga sponsors na susuporta sa proyektong ito upang manatiling libre sa mga pasahero ay ang Robinsons Land Corporation (RLC), Megaworld Corporation, Ortigas Land, at International Solid Waste Integrated Management Specialist, Inc. (ISWIMS).
Ang MMDA ang mamamahala sa ruta, pagsasaayos ng trapiko, infrastructure assistance, at anumang may kinalaman sa serbisyo publiko samantalang ang GET Philippines naman ang bahala da operasyon at maintenance ng mga electric buses.
"We will make public transport palatable, enjoyable, safe, and environmentally friendly for everyone. The MMDA has come in to support the Love Bus program and make sure it happens," ayon kay Tinga.
Binabalak din ng MMDA na magpatakbo ng mga Love Bus sa iba pang parte ng Metro Manila.
(Mga larawan ng MMDA)
Love Bus, Buhay na Naman; Electric at Libre ang Sakay | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
