Ang namumuong sama ng panahon o Low Pressure Area (LPA) ay tinatayang nasa 650 kilometro silangan ng Infanta, Quezon (14.7°N, 127.7°E) kaninang alas 3:00 ng umaga, Hulyo 1, 2025.
(Larawan ni Vera Victoria)
Sinasabayan pa ito ng Southwest Monsoon na nakakaapekto sa Visayas, Mindanao, Central Luzon, at Southern Luzon.
(Larawan ng PAGASA)
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA) na uulanin ngayong araw na ito ang mga sumusunod na lugar:
Bicol Region, Isabela, Quirino, Aurora, at Quezon. Posibleng magkaroon ng pagguho ng lupa at biglang pagbabaha sa katamtamang hanggang malakas na pag-ulan dahil sa LPA.
Ganito rin ang sitwasyon sa mga sumusunod na lugar:
Metro Manila, Visayas, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at ang nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON dahil naman sa Southwest Monsoon.
Ang nalalabing bahagi naman ng Mindanao ay magiging maulap at may kalat kalat na pag-ulan na bunga naman ng southwest monsoon. Posible ring magkaroon ng pagguho ng lupa at biglang pagbabaha.
LPA at Habagat, Magpapaulan Ngayong Hulyo 1, 2025 sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
