Tumaas ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang isang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility o nasa layong 965 kilometro sa silangan hilagang silangan ng tuktok ng Northern Luzon.
(Larawan ng PAGASA)
Namataan ng PAGASA ang naturang namumuong sama ng panahon kaninang alas 2:00 ng hapon, Hulyo 31, 2025, at tinatayang magiging bagyo sa loob ng 24 na oras.
Samantala, ang habagat ay patuloy na nagpapaulan sa Luzon at Visayas partikular sa mga sumusunod na lugar: Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Apayao, Abra, Benguet, Zambales, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac, at Pampanga.
Kalat-kalat na pag-ulan din ang mararanasan ng Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, at Visayas dahil sa Habagat.
Ang Mindanao naman ay magiging maulap hanggang sa magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan.
Ibinabala ng PAGASA ang posibilidad ng pagguho ng lupa at pagbabaha sa mga apektado ng habagat.
LPA na Nasa Labas ng PAR (965 Kilometro sa Silangan Hilagang Silangan ng Extreme Northern Luzon), Posibleng Maging Bagyo sa Susunod na 24 na Oras | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
