Posibleng magharap sa Senate Blue Ribbon Committee ang magkapatid na sina Senador Alan Peter Cayetano at PTV-4 General Manager Lino Cayetano sa isasagawang pagdinig kaugnay ng pinaiimbestigahang diumano ay ghost flood control projects sa Taguig.
Napag-alaman na ang nakababatang Cayetano, na dati ring nagsilbing alkalde ng Taguig mula 2019 hanggang 2022, ang humiling na imbestigahan ang flood control projects sa siyudad mula 2022 hanggang 2025 na nagkakahalaga umano ng ₱6 na bilyon.
Ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa maanomalyang flood control projects ay isasagawa makalipas ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nakatakda naman sa Hulyo 27, 2026.
Nauna nang itinanggi ni Senador Cayetano na may ghost flood control projects sa Taguig.
Magkapatid na Cayetano, Posibleng Magharap sa Senate Blue Ribbon Committee Hearing sa Flood Control Projects | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
