Mahigit sa 10, 000 solo parents sa Taguig City ang nakakakuha ng mga benepisyo sa pamahalaang lungsod kabilang ang mga seminar na pangkabuhayan, health at job fairs, counseling at iba pang uri ng suporta.

News Image #1


Sa pagdiriwang ng Solo Parents Week, ipinaalala ni Social Welfare Officer at Solo Parent Program Focal Person Anya Hanopol ang pagapparehistro bilang solo parent sa Taguig upang makakuha ng dagdag benepisyo.

Ang mga solo parents ay may mga benepisyo sa ilalim ng Republic Act No. 11861 o ang Expanded Solo Parents' Welfare Act. Buo ang suporta sa mga ito ng pamahalaang lungsod.

Sa mensahe ni Committee Chair for Social Welfare, Community Development, Population and Migration, Councilor Jomil Serna, tiniyak nitong kapartner ang lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng kapakanan ng mga solo parents sa Taguig.

"Today we focus our attention on solo parents. May ka-partner po kayo sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa pagbuo ng komunidad na mayroon pong pagmamahal sa inyong mg anak at gawin po natin itong inspirasyon para mapalaki silang kapakipakinabang na miyembro ng lipunan," ayon kay Councilor Serna.

(Larawan mula sa Taguig PIO)