Mahigit 2, 000 mga batang Taguigeño ang mabibigyan ng masustansyang pagkain araw-araw sa loob ng dalwang taon, sa ilalim ng kasunduan ng Taguig City, MyTaxi.ph o Grab Philippines at Rise Against Hunger Philippines (RAPH).

Ang 2, 178 na mga bata ay mula sa piling Child Development Centers (CDC) SA Barangay Upper Bicutan, Central Bicutan, Bagong Tanyag, North Daang Hari at South Daang Hari.

Sa ilalim ng programa, ang mga batang Taguigeño ay makakatanggap ng fortified rice-soy meal supplementation araw-araw na ang layunin ay maging mas maayos ang estado ng kanilang nutrisyon lalo na sa panahong sila ay lumalaki.

Kasama rin sa inisyatibo ang nutrition education, capacity-building activities para sa mga volunteers at staff at ang community-based nutrition support system.

Sinabi ng Rise Against Hunger Philippines executive director na si Jose Mariano Flera, sa kanilang pakikipaglagdaan sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig noong Mayo 15, 2026, na ang kanilang organisasyon ay matagal nang kapartner ng local government unit.

"Starting in 2017, matagal na po naming partner ang Taguig. Dito po nagsimula ang ilan sa aming mga feeding programs, food bank initiatives, at community gardens na kalaunan ay naging modelo rin sa ibang mga lungsod sa bansa.
Marami pong natulungan ang Taguig dahil naging daan ito para mapalawak namin ang aming movement sa iba't ibang komunidad sa Pilipinas."

Pinasalamatan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang mga kasama sa mabuting layuning ito para sa kapakanan ng kalusugan ng mga batang Taguigeño.

"Today, we celebrate a beautiful partnership grounded in care, shared responsibility, and hope for our children's future. We are truly proud that here in the City of Taguig, we put real care and attention into the nutrition of our children. In fact, Taguig currently records the lowest stunting rate in the National Capital Region at 2%. This partnership inspires us to do even more because we know we are no longer doing this alone. We thank Grab Philippines and Rise Against Hunger Philippines for joining us in this mission for healthier and brighter futures for our young Taguigeños."

Kabilang sa mga sumaksi sa lagdaan sina Second District Representative Jorge Bocobo, Executive Assistant for Health Dr. Cecille Montales, City Health Officer Dr. Susana Amiscua, CSWDO head Nikki Rose Operario, and Councilors Rodil "Tikboy" Marcelino at Atty. Darwin Icay, kasama ang MyTaxi.ph Public Affairs Managers na sina Ma. Roxxane Lu at Atty. Marien Lucenario, at ang Rise Against Hunger Philippines Chief Nutritionist at M&E Officer na si Rolando Yu.