Biyernes Santo nang matimbog ng kapulisan ng Taguig City ang dalawang suspek sa ipinagbabawal na gamot makaraang makumpisa sa mga ito ang mahigit ₱2 milyong halaga ng hinihinalang shabu.

News Image #1


Isang buy-bust operation ang isinagawa sa MLQ Street in Barangay Lower Bicutan, Taguig noong Marso 29 bandang alas 9:20 ng gabi kung saan naaresto sina alyas Sojod, 20 anyos at alyas Mando, 22.

Anim na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 305 gramo at may tinatayang halagang ₱2,074,000 ang nakuha sa mga suspek kasama ang perang ginamit sa pagkukunwaring bibili ng ilegal na droga sa dalawang suspek na naaresto.

News Image #2


Kabilang sa nagsagawa ng operasyon ay ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Taguig City Police Station, sa pakikipagtulungan ng Mobile Patrol Unit (MPU) at Taguig City Police Substation 9.

Haharapan ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang ihaharap sa mga suspek sa Taguig City Prosecutor's Office.

(Kuha ng Taguig City Police)