Nakaranas ang buong Pilipinas at maging ang Estados Unidos at iba pang bansa ng malawakang outage ng Facebook ngayong gabing ito, simula nag mag a-alas 10:00, Hunyo 12, 2026.

News Image #1


Hindi makapag-load ng posts at makapagpadala ng mensahe sa messenger ang mga Facebook account holders sa loob ng 50 minuto.

News Image #2


Maging ang Instagram ay apektado ng outage, ayon sa mga users.

Ilang mga Facebook account holders ang nag-ulat na na-logout sila sa kanilang account at muling pinapag-login.

Ngayong pasado alas 11:00 ng gabi ay nakabalik na sa normal ang serbisyo ng Facebook, Messenger at Instagram.

Wala pang paliwanag ang Meta kung ano ang lumikha ng outage. .

"When the servers crash, the system drops the digital keys that keep you logged in. This logs everyone out at the exact same time," ayon sa Yahoo Finance.