Idineklara ang National Nutrition Council (NNC) Building sa Barangay Fort Bonifacio, Taguig City bilang isang gusali na may kahalagahang kultural.
Kamakailan ay ipinakita sa publiko ang Marker at Public Declaration ng National Nutrition Council Building bilang "Important Cultural Property."
Ang gusali ng NNC ay dinisenyo ng National Artist for Architecture na si Leandro Locsin. Si Locsin din ang arkitekto ng Cultural Center of the Philippines at Philippine International Convention Center.
Ang estilo nito sa NNC ay "brutalist architecture" kung saan gumamit ito ng mga makakapal na kongkreto upang lumikha ng malakas at mala-monumentong porma.
Idineklara na ang NNC na "Important Cultural Property" ng Natjonal Commission for Culture and the Arts (NCCA).
Dahil idineklara na itong heritage area, mapo-protektahan ang gusali sa demolisyon.
Maaari lamang itong umayon sa mga bagong proyekto sa pamamagitan ng "adaptive reuse" tulad ng pagkabit nito sa Metro Manila Subway, subalit hindi dapat na masira ang architectural value nito.
(Mga larawan ng National Nutrition Council)
Marker na Nagdedeklara sa National Nutrition Council Building sa Fort Bonifacio Bilang Important Cultural Property, Nakatayo Na | Taguig Balita
Language: Switch to English
