Mawawala na ang shopping mall na Market! Market! sa taong 2027 sa pagtatapos ng renta rito ng Ayala Land, Incorporated.

News Image #1


Inanunsyo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na magkakaroon ng redevelopment sa shopping mall na ito sa Bonifacio Global City (BGC) Taguig City at gagawin itong halong residential at commercial.

News Image #2


Ang 9.7 ektaryang pag-aari ng BCDA ang pinakamalaking asset nito sa BGC District. Simula 2004 ay naging mall na ito para sa mga middle income at pinamamahalaan ng property company ng Ayala Corporation.

Sinabi ni BCDA President at Chief Executive Officer na si Joshua Bingcang na ang transpormasyon sa Market! Market! ay upang mailinya ito sa mga sosyal na shopping centers, fine dining restaurants at iba pang katulad ng mga ito sa BGC.

News Image #3


Maaari pa rin namang lumahok ang Ayala group sa redevelopment ng naturang lugar kung nanaisin nito, ayon kay Bingcang.

(Mga larawan ni Dek Terante)