Isang luxury sports car, mga electric vehicles, matataas na kalibre ng baril, granada, mga bala at iba pang kontrabando ang nakumpiska ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula sa isang Chinese national sa No. 37, Lavender Street, Mahogany Place 3, Barangay Bambang, Taguig City noong Abril 14, 2024 ng umaga.

News Image #1


Bukod dito, tinangka pa ng isa sa mga kasamahan ng 24 na taong gulang na Chinese national na si Haiqiang Su na suhulan ang mga tauhan ng NCRPO, Regional Special Operations Group (RSOG) -RID at Taguig City Police na nagsilbi ng search warrant laban dito.

Isinilbi ng mga otoridad ang Search Warrant No. 2024-017 na ipinalabas ni Judge Bernard Pineda Bernal, Vice Executive Judge ng Regional Trial Court Branch 70 ng Taguig City na may petsang Abril 12, 2024 kaugnay ng kasong paglabag sa Section 28 par (a) ng Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ng akusado.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad sa bahay ni Haiqiang sa Barangay Bambang bandang alas 8:30 ng umaga, nakuha rito ang mga sumusunod:
(1) One Unit Cal. 5.56 rifle Daniel Defense Black Creek GA USA M4 Carbine Cal. Multi;
(2) two (2) pieces magazine assembly for Cal. 5.56mm;
(3) thirty-six (36) pcs. of ammunition for cal. 5.5mm;
(4) six (6) pcs of ammunition for cal. 9mm;
(5) one (1) unit of M16 airsoft rifle;
(6) one (1) unit of Honor Fantastic Airsoft pistol;
(7) one (1) unit of Walther Airsoft Pistol;
(8) one (1) unit of WE Airsoft Pistol;
(9) one (1) pc. Of Gamo Tactical Scope;
(10) two (2) pcs. Hand Grenade;
(11) two (2) pcs. Tactical Vest;
(12) one (1) pc. Tactical Helmet with markings "CHINA";
(13) three (3) pcs. Pistol holster;
(14) three (3) pieces of different IDs;
(15) one (1) pc. Chinese flag;
(16) one (1) pc. Backpack bag

News Image #2


Natagpuan din sa bahay ng Chinese national ang mga sumusunod:

(1) one (1) unit McLaren GTR Sports Car na dinala sa Office of ANCAR para sa imbestigasyon at beripikasyon dahil sa hinalang ilegal na inilipat dito ang plate number ng ibang sasaktan at gumagamit din ng improvised plates
(2) one (1) unit HONQI Electric SUV;
(3) One (1) unit KTM Sports bike
(4) One (1) unit Electric Bike na walang kaukulang dokumento

"Nakakuha tayo ng luxury cars, meron yung electric car at mayroon yung Mc Laren it is worth about 15-30 million. So napakamahal saan sila kukuha ng ganon, we are questioning these, dahil walang document silang naipakita. So we will be coordinating with the Bureau of Customs and to concerned agency," ang pahayag ni NCRPO Chief Police Major General Jose Melencio Nartatez, Jr.

News Image #3


Samantala, ang dalawang Chinese nationals pang nakita sa bahay ni Haiqiang ay dinala muna sa himpilan ng pulisya para sa karagdagang beripikasyon.

Kinagabihan ng Abril 14, 2024 makaraan ang pag-aresto kay Haiqiang, isang Jerry Mari Cheng ang nagtungo sa pulisya at iniabot sa isa sa mga kasama ng suspek na si Zhuang Guangdong ang dalawang itim na paper bags na may simbolong "9 Dynasty Group."

Ang laman ng bag ay P3 milyong piso na harap-harapang iniabot ni Zhuang sa isang tauhan ng pulisya, kapalit ng pagpapalaya sa mga Chinese nationals na nasa kustodiya ng pulisya.

Inaresto agad ng mga tauhan ng RSOG si Zhuang Guangdong, subalit nakatakas si Cheng na nagdala ng dalawang paper bags na may lamang pera.

Haharapan ng reklamong Corruption of Public Officials si Zhuang samantalang pinaghahanap ngayon su Cheng.

Pinuri ni Nartatez ang ginawa ng mga tauhan ng RSOG, at binigyang diin ang kahalagahan ng integridad at propesyonalismo ng mga alagad ng batas.

"This incident serves as a powerful testament to the steadfast dedication of our officers in upholding the rule of law and serving the public with honor and integrity. These are the kind of policemen that we need, to show our people that we can be trusted and that the NCRPO policemen are respectable and professional," pagtatapos ni Nartatez.

(Mga larawan mula sa NCRPO)