Sinuspinde na ng pamahalaan ang pasok sa lahat ng opisina ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa mga lugar na maaapektuhan ng malakas na bagyong Nando ngayong Lunes, Setyembre 22, 2025.

News Image #1


Kabilang sa mga walang pasok ang mga sumusunod na lugar:

* Metro Manila
* Abra
* Antique
* Apayao
* Bataan
* Batanes
* Batangas
* Benguet
* Bulacan
* Cagayan
* Cavite
* Ifugao
* llocos Norte
* llocos Sur
* Isabela
* Kalinga
* La Union
* Laguna
* Mountain Province
* Nueva Ecija
* Nueva Vizcaya
* Occidental Mindoro
* Oriental Mindoro
* Pampanga
* Pangasinan
* Palawan
* Romblon
* Rizal
* Tarlac
* Zambales

Ang pagdedeklara ng suspensyon ng trabaho sa gobyerno at klase sa mga nabanggit na lugar ay nakapailalim sa Memorandum Circular Number 97 ng Malakanyang na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

News Image #2


Ito naman ay makaraang irekomenda ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang suspensyon ng pasok sa gobyerno at eskwelahan dahil sa mga lugar na maaapektuhan ng Super Typhoon Nando at ng Habagat (Southwest Monsoon).

Gayunman, ang mga ahensyang may kinalaman sa basiko, importante at serbisyong pangkalusugan, paghahanda at pagresponde, ay kailangang may mga tao pa ring magta-teabaho upang matiyak na matutulungan ang mga nangangailangan.

Ang mga ahensya at empleyado ng gobyerno ay maaaring magtrabaho sa aprubadong alternatibong pamamaraan ng pagseserbisyo batay sa batas at pamantayan.

Sa mga lugar na hindi kasama sa listahan, maaari ring magkansela ang mga lokal na pamahalaan kung kinakailangan.

Sa mga pribadong kumpanya, iniiwan sa kanilang mga pinuno ang desisyon kung magpapatupad ng suspensyon ng trabaho.


(Mga larawan ng Presidential Communications Office)