Binigyan ng pagpupugay ng Philippine Army ang Hunters-ROTC Guerillas sa isang seremonyang isinagawa sa Fort Bonifacio, Taguig City noong Abril 13, 2024.

News Image #1


Isang wreath-laying ceremony ang isinagawa sa monumento ng Hunters-ROTC.

"These cadets may have been young, but their bravery and patriotism have left an indelible mark on our history. The saga of the Hunters-ROTC Guerillas is a testament to the enduring spirit of the Filipino people in face of adversity," ang pahayag ni Army Vice Commander Maj. Gen. Leodevic Guinid sa kanyang pangunahing mensahe bilang kinatawan ni Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido.

News Image #2


"As one of the most aggressive guerrilla groups, they not only gathered vital intelligence, but also engaged in raids, showcasing their resolute commitment to freedom," dagdag pa nito.


Ang Hunters-ROTC ay binuo ng mga batang kadete ng Philippine Military Academy na lumahok sa pakikipaglaban sa Japanese imperial forces noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Nag-aya ang mga ito ng mga batang sundalo noong 1942 na mula sa mga ROTC ng iba't ibang unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila.

Nagawa nilang bawiin ang Fort McKinley began noong Pebrero, 1945 sa tulong ng 47th ROTC Division ng Hunters-ROTC Guerrillas.

(Mga larawan ni Dek Terante ng Taguig.com)