Hindi hihinto sa pagba-biyahe ang mga bus sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong Semana Santa.
Sinabi ng Department of Trannsportation (DOTr) na handa naman ang kanilang kagawaran at ang mga nakakabit ditong ahensiya na siguruhing magiging ligtas at maayos ang paglalakbay ng mga mamamayang gumagamit ng bus terminal.
Mula Marso 23, 2024 hanggang Marsp 31, 2024 ay mas magiging mahigpit ang pagbabantay ng DOTr sa PITX na sumasalo sa mga pasahero mula sa EDSA Busway at iba pang pampubliko at pribadong sasakyan.
Nasa ibaba ang listahan ng mga gates sa PITX at ang mga ruta na maaaring puntahan ng mga pasahero.
Nagbukas din ang DOTr ng isang hotline para sa mga nagnanais na humingi ng tulong o magsumbong sakaling may nanlilinlang sa mga ito kaugnay ng kanilang pagba-biyahe.
Ito ay sa pamamagitan ng Online Bantay Lakbay Hotline 1326 o sa pamamamagitan ng numerong 09209643687.
(Mga larawan mula sa Department of Transportation)
Mga bus sa PITX, 24/7 Pa Rin ang Biyahe sa Semana Santa | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
